Magnitude 4.6 na lindol naitala sa Catbalogan, Samar

Phivolcs photo

Yumanig ang magnitude 4.6 na lindol sa Catbalogan, Samar Martes ng hapon.

Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang lindol sa layong 22 kilometers Northeast ng Catbalogan bandang 2:41 ng hapon.

May lalim itong 5 kilometers at tectonic ang origin.

Samantala, naramdaman ang Intensity 4 sa Borongan, Eastern Samar.

Read more...