Nag-abiso si Tacloban Mayor Cristina Gonzales kung saan sinuspinde na ang trabaho sa lahat ng government office sa Tacloban City, Leyte.
Ito ay dahil sa tumamang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar at ilang lugar sa Leyte.
Ayon sa alkalde, suspendido ang pasok ng mga empleyado sa government offices sa buong araw ng Martes.
Pinayuhan naman ang mga empleyado na umuwi na sa kani-kanilang tahanan sa pangamba na magkaroon pa ng aftershocks.
Pakiusap ng aklade, siguraduhing secured ang kanilang mga tanggapan.
Nananlangin din si Gonzales na ligtas ang mga lahat ng mga residente sa Tacloban.
Ilang lugar na rin sa Leyte partikular sa Barangay Cavite AlangAlang, Leyte ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.