Sara Duterte, nakiramay sa mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 03:15 PM

Nagparating ng pakikiramay si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pamilya ng mga biktima ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Sa inilabas na pahayag, nagparating ng panalangin ang presidential daughter sa pamilya ng mga nasawi sa Pampanga noong araw ng Lunes.

Kasunod nito, kinansela ni Duterte-Carpio, chair ng Hugpong ng Pagbabago, ang nakatakda sanang campaign rally sa Limay, Bataan sa April 26.

Ito ay para aniya makatutok ang mga opisyal at residente ng Pampanga at Bataan sa mga post-incident activities.

Ayon kay Pampanga Gov. Lilia Pineda, nasa 11 katao ang nasawi sa mga gumuhong gusali at nasirang kalsada sa lugar.

Nakaranas din ng power service interruption ang ilang probinsya sa Luzon.

TAGS: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, magnitude 6.1 na lindol, Pampanga, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, magnitude 6.1 na lindol, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.