15,000 pulis, ipakakalat sa Metro Manila sa May 13 polls

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 02:15 PM

Ipakakalat ang nasa 15,000 pulis sa Metro Manila sa mismong araw ng midterm elections sa May 13.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ito ay para mapanatili ang anti-criminality efforts ng pulisya sa araw ng eleksyon.

Hindi lang aniya babantayan ng pulisya ang mga polling center at canvassing area kundi ang iba pang matataong lugar.

Sinabi pa ni Eleazar na hindi maaaring magpakampante ang pulisya.

Mayroon din aniyang template na sinusunod ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

TAGS: Guillermo Eleazar, May 13 elections, NCRPO, Guillermo Eleazar, May 13 elections, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.