MIAA, nagbabala sa airline companies sa pagkakansela ng flights

By Clarize Austria April 23, 2019 - 02:18 PM

Nagbigay babala ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga airline company na huwag samantalahin ang nangyaring malakas na lindol sa Zambales upang magkansela ng flights.

Ito ay matapos lumabas ang report na may domestic carrier na nagkansela ng flights na papasok at papalabas ng Maynila.

Noong Lunes, naglabas ng abiso ang MIAA na walang naitalang pinsala sa mga terminals, runway, taxiway, at iba pang pasilidad ng NAIA matapos ang kanilang inspeksyo.

Pinaalalahanan din ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga airline na huwag ng pasakitan ang mga pasahero sa pagdedelay ng mga flights.

Siniguro naman ng MIAA chief sa mga pasahero na balik sa normal ang operasyon ng mga paliparan at walang silang dapat ikabahala.

TAGS: MIAA, MIAA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.