Tatlong silver medals ang napanalunan ni Hidilyn Diaz sa Asian Weightlifting Championships na ginaganap sa Ningbo City sa China.
Natapos ni Diaz ang 94 kilograms at 115 clean and jerk para makakuha ng 209 points at matapos sa ikalawang pwesto sa wpmen’s 55 kilogram category.
Nagbukas ang nasabing tournament noong April 17 at matatapos sa April 29.
Magsisilbi itong qualifying event para makapasok sa Tokyo Olympics.
Target ni Diaz na makapasok muli sa Olympics sa ikaapat na pagkakataon.
MOST READ
LATEST STORIES