Pilipinas hindi magpapatupad ng force evacuation sa mga Filipino na naiipit sa gulo sa Libya
Wala pang ipatutupad na force evacuation ang pamahalaan ng Pilipinas para sa mga Filipino na nasa Libya.
Ito ay sa kabila ng panawagan ni Charge d’ Affaires Elmer Cato sa mga Filipino na may kamag -anak na Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Libya na kumbinsihin na umuwi na ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa mga Filipino na sa Libya ang pagpapasya kung uuwi o hindi.
Base aniya sa inisyal na impormasyon na natanggap ng palasyo, may mga Filipino sa Libya ang nagsabi na ligtas pa naman sila.
Sakali aniyang magpasya ang mga Filipino na umuwi sa bansa, may nakahandang tulong na ibibigay ang gobyerno.
“If the situation is dangerous for them, they have to go home but according to those who want to stay, it’s not. Eh okay naman daw sa kanila,” ayon kay Panelo.
Base sa ulat, lumalala na ang sitwasyon ngayon sa tripolo dahil sa panggugulo ng militia na una nang nagpatalsik sa pwesto kay Libyan Prime Minister Moammar Gadhafi noong 2011.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.