LOOK: CJ Bersamin nag-inspeksyon sa Korte Suprema matapos ang lindol kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas April 23, 2019 - 10:57 AM

SC Photo
Personal na ininspeksyon ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang gusali ng Mataas na Hukuman matapos ang malakas na lindol kahapon.

Inikot ni Bersamin ang mga tanggapan upang malaman kung mayroon bang naging pinsala ang lindol.

Kaugnay nito, inatasan na rin ni Bersamin si Court Administrator Jose Midas Marquez na agad ipa-inspeksyon ang mga court house sa Central Luzon at sa Metro Manila.

Ito ay upang masiguro na walang pasilidad na nagtamo ng pinsala.

Ngayong araw ay suspendido ang pasok sa mga korte sa Metro Manila at Central Luzon.

Samantala, sa DOJ, inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra si Assistant Secretary Sulit na pangunahan ang inspeksyon sa mga opisina ng kawanihan.

TAGS: 6.1 magnitude, inspection, quake, Supreme Court, 6.1 magnitude, inspection, quake, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.