WATCH: State of calamity idineklara sa Pampanga matapos ang 6.1 magnitude na lindol
Nagdeklara na ng state of calamity sa buong lalawigan ng Pampanga dahil sa matinding pinsala na naidulot ng 6.1 magnitude na lindol.
Umaga ngayong Martes ay umabot na sa 11 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi sa Pampanga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pampanga Governor Lilia Pineda na maliban sa mga apektadong indibidwal, may mga imprastraktura din sa lalawigan na naapektuhan.
Kasabay nito ay inatasan na ni Pineda ang mga alkalde sa mga bayan na naapektuhan na agad isumite ang ulat sa naging pinsala sa kanilang lugar.
Ito ay upang mabilis na malaman ang kailangang tugon at tulong na dapat maipagkaloob.
Isusumite aniya ang ulat kay Pangulong Duterte at anumang tulong na hindi kayang maibigay ng provincial government ay hihingin nila sa national government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.