Mga paaralan pinapa-inspeksyon ng DepEd matapos ang lindol kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2019 - 08:51 AM

Ipinag-utos na ng Department of Education (DepEd) ang pag-iinspeksyon sa lahat ng eskwelahan at pasilidad matapos ang 6.1 magnitude na lindol kahapon.

Sa memorandum ni Education Sec. Leonor Briones, agad pinaiinspeksyon ang mga eskwelahan sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Inatasan ni Briones ang mga principal, school heads at mga inc-charge na ipabusisi ang mga pasilidad bago payagan na makapasok ang mga guro at mga bata.

Mahalaga ayon sa DepEd na masigurong ligtas ang mga paaralan.

Para sa mga paaralan na mayroon pang mga klase ay nagsuspinde na ng pasok ang DepEd ngayong araw sa NCR.

TAGS: deped, quake, Radyo Inquirer, school facilities, deped, quake, Radyo Inquirer, school facilities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.