10 patay, 30 bata sugatan sa pag-araro ng sasakyan ng pulis sa mga nagpu-prusisyon sa Nigeria

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2019 - 08:06 AM

Patay ang sampung katao habang sugatan ang nasa 30 mga bata matapos araruhin ng mga isang sasakyan ng pulis ang mga lumalahok sa prusisyon sa Nigeria.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng Easter procession sa northeast Nigeria.

Isang off-duty na pulis umano ang umararo sa mga tao gamit ang kaniyang kotse ayon kay state police spokesperson Mary Mallum.

10 ang agad na nasawi at maraming sugatan ang dinala sa ospital.

Ang pulis, at kaniyang kaibigan na sakay ng umararong sasakyan ay inatake ng mga galit na tao at nasawi din.

Nabatid na may nakasagutan ang pulis na nagmamaneho ng kotse matapos na hindi siya agad makadaan dahil sa prusisyon.

TAGS: Easter Procession, Nigeria, Easter Procession, Nigeria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.