Assistant cameraman, patay sa pamamaril

June 25, 2015 - 10:47 AM

imusPatay ang assistant cameraman ng isang TV Network sa insidente ng pamamaril sa Imus City sa Cavite.

Naganap ang insidente alas 5:15, Huwebes ng umaga sa Bukaneg St. Brgy. Pinagbuklod, Imus City.

Nakilala ang biktimang si Jonathan Olden – 29 anyos at nagtatrabaho bilang driver at assistant cameraman ng CNN Philippines.

Ilang beses binaril si Olden ng hindi nakilalang suspek at nagtamo ito ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek. Iniimbestigahan na ng Cavite Police ang pamamaril.

Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), kung mapatutunayang work related ang insidente, ito na ang ikatlong kaso ng media killing ngayong taon at ika 27 sa ilalim ng administrasyong Aquino./ Ruel Perez

TAGS: assistant cameraman, cnn philippines, media killing, Radyo Inquirer, assistant cameraman, cnn philippines, media killing, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.