Mahigit 100 sugatan sa magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2019 - 07:48 AM

DPWH Photo
Sampu ang naitalang nasawi habang mayroong 102 ang nasugatan sa naganap na magnitude 6.1 na lindol kahapon.

Ayon sa Department of PUblic Works and Highways (DPWH) dalawa sa nasawi ay mag-lola sa Sta. Cruz, Lubao, Pampanga na kapwa nadaganan ng bumagsak na pader.

Mayroon namang nang limang nasawi na nakuha mula sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Samantala, nasa 102 ang naitalang nasugatan na pawang mula sa Pampanga at Angeles City kabilang na ang 13 mula sa SM mall, at 59 mula sa Chuzon Supermarket.

Ngayong madaling araw, may naitala na ang DPWH na 15 pasilidad na napinsala ng lindol sa Bataan, Pampanga, Zambales, Bulacan at Olongapo.

Isinara naman ang Floridablanca Consuelo Bridge sa mga motorista gayundin ang Mega Dike Access Road sa Bacolor Pampanga.

Habang maliliit na sasakyan lamang ang pinapayagan na dumaan sa Sasmuan-Lubao Bridge.

TAGS: 6.1 magnitude, damage, DPWH, earthquake, Luzon Quake, 6.1 magnitude, damage, DPWH, earthquake, Luzon Quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.