Gusali ng EAC sa Maynila hindi na ipagagamit ng DPWH

By Dona Dominguez-Cargullo April 23, 2019 - 07:40 AM

DPWH Photo
Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pamunuan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) na huwag nang gamitin ang kanilang gusali na naapektuhan ng malakas na lindol kahapon, Apr. 22.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, naabisuhan na nila ang safety officer ng EAC sa kanto ng UN Avenue at San Marcelino Street na huwag nang gamitin ang gusali.

Inatasan na rin ang mga occupant nito na lisanin ang pasilidad.

Kinordonan na rin ng DPWH ang lugar para maiwasan ang dagdag pang pinsala sakaling may bumagsak na debris mula sa gusali ng EAC.

TAGS: EAC, Emilio Aguinaldo College, manila, UN Avenue, EAC, Emilio Aguinaldo College, manila, UN Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.