Trump nagsampa ng kaso para harangan ang subpoena sa kanyang financial records
Nagsampa si US President Donald Trump ng kaso laban sa Kongreso para maharangan ang mga mambabatas sa pagkalkal sa kanyang financial records.
Ito ang una sa dalawang hakbang ni Trump sa gitna ng umiigting na tensyon kontra sa Democrats sa US Congress.
Layon ng reklamo ng US President na harangan ang subpoena na inilabas ng Democratic chairman ng US House Oversight Committee for Information.
Ito ay may kaugnayan sa personal at business finances ni Trump.
Ayon sa Pangulo, naglunsad ang Democrats ng “all out political war” laban sa kanya gamit ang mga subpoena bilang anyay “weapon of choice.”
Layon ng subpoena ng komite na makuha ang mga dokumento mula sa Mazars USA, isang accounting firm na matagal ng ginagamit ni Trump sa kanyang financial statements.
Inilabas ang subpoena kasunod ng testimonya ng dating abogado ni Trump na si Michael Cohen na nagsabing mali ang iprinisintang net worth ni Trump noong Pebrero
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.