Magnitude 4.7 na lindol naitala sa Batangas

Naitala ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Batangas Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa 15 kilometro southwest ng bayan ng Calatagan.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 147 kilometro.

Walang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Nilinaw naman ng Phivolcs na walang kaugnayan ang lindol sa Batangas sa lindol sa Castillejos, Zambales na tumama sa Luzon kabilang ang Metro Manila.

“They are not connected, because the Batangas fault line is different. All aftershocks are concentrated in the area Zambales and the rest of Central Luzon. We are not expecting any damage and a tsunami because its origin was deep,” pahayag ng isang opisyal ng ahensya.

Read more...