Palasyo: Otso Diretso dapat magpasalamat kay Pang. Duterte

By Chona Yu April 23, 2019 - 02:37 AM

Dapat na magpasalamat ang mga taga Otso Diretso kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagbanggit sa kanilang mga pangalan sa mga campaign rally na isinasagawa ng PDP-Laban sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit na batikos ang inaabot ng mga taga oposisyon, natutulungan pa rin sila ng Pangulo dahil nagkakaroon ng name recall sa mga botante.

Kabilang sa mga binabatikos ng Pangulo sina Senatorial candidates Romulo Macalintal na umanoy abogado lamang ng mga mayayaman, Gary Alejano na wala umanong ginawa kundi ang mag kudeta, dating Solicitor General Florin Hilbay na isa umanong bakla, Chel Diokno na umanoy walang nagawa at walang match sa tatay nitong si dating Senador Jose Diokno, Mar Roxas na umanoy nagpahamak sa SAF 44, Erin Tañada na umanoy abogado ng mga rebelde, Bam Aquino na wala umanong nagawa, at si Samira Gutoc.

Ayon kay Panelo, maaari aniyang naawa si Pangulong Duterte sa Otso Diretso dahil sa mababang rating kaya paulit ulit na binabanggit ang kanilang mga pangalan sa mga public engagement ng punong ehekutibo.

TAGS: kampanya, magpasalamat, naaawa, Otso Diretso, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Presidential spokesman Salvador Panelo, kampanya, magpasalamat, naaawa, Otso Diretso, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.