Tinawag na tonto ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil sa pagpapaatras sa mga barko ng Pilipinas sa naganap na standoff laban sa China sa Scarborough Shoal noong 2012.
Ayon sa Pangulo, dahil sa naging desisyon ni Del Rosario na alisin ang mga barko sa Scarbourough Shoal ay lalong naging agresibo ang China sa pagsasagawa ng reclamation at konstruksyon sa mga isla sa West Philippine Sea na sakop na ng Pilipinas.
Ibinunyag pa ng Pangulo na tanging si Del Rosario ang nakipag negosasyon sa Amerika na pagsabihan ang Pilipinas at China na umatras sa lugar.
Pero Pilipinas lamang aniya ang sumunod at hindi ang China.
Ayon pa sa Pangulo, pilit na sinisisi ngayon ni Del Rosario ang gobyerno gayung ito anya at si dating Pangulong Benigno Aquino III ang dapat na sisihin sa patuloy na pag abante ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.