Phivolcs: 41 aftershocks naitala kasunod ng lindol
Hindi bababa sa 41 aftershocks ang naitala ng Phivolcs matapos ang magnitude 6.1 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, may posibilidad na magkaroon pa ng mas maraming aftershocks sa susunod na mga oras at araw.
Pero mas mahina na anya ang susunod na mga aftershocks kumpara sa mga unang naitala.
Inaasahan na habang tumatagal ay kakaunti ang aftershocks.
Paliwanag ni Solidum, ang gumalaw na fault ay hindi malaki kaya inaasahan na hihina ang mga aftershocks.
Gayunman, hinikayat ng opisyal ang publiko na maging alerto at maghanda sa anumang sitwasyon.
“But syempre, ito ‘yong ating analysis, but it is still important na parati tayong handa in case na magkaroon ng lindol na pwedeng manggaling sa mga fault sa paligid ng Luzon. Dapat handa pa rin tayo,” ani Solidum.
Sa 41 aftershocks, pinakamalakas ang magnitude 3.0 na naitala sa Olongapo City, Zambales na tumama 4 na minuto kasunod ng malakas na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.