30 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Maynila

By Len Montaño April 23, 2019 - 12:37 AM

Credit: Grego Nuega

Nawalan ng tirahan ang 30 pamilya sa sunog sa Malate, Manila Lunes ng gabi.

Nasa sampung bahay ang natupok sa sunog sa Leveriza Street.

Ayon sa Manila Fire Department Intramuros Station, nagsimula ang apoy alas 8:00 ng gabi at itinaas sa ikalawang alarma bandang 8:57 ng gabi.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang sunog dahil masikip ang kalsada.

Dahil dito ay nagtulong-tulungan ang mga residente para patayin ang sunog.

Iniimbestigahan ng mga bumbero ang impormasyon na nagsimula ang sunog sa isang boarding house dahil umano sa alitan ng land lady at mga umuupa.

Inaalam din ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian gayundin kung may koneksyon ito sa lindol sa Zambales kung saan ang Manila at Quezon City lamang ang mga lugar sa Metro Manila ang inilagay ng Phivolcs sa Intensity V.

TAGS: 10 bahay, 30 pamilya, boarding house, leveriza street, malate, manila, Manila Fire Department Intramuros Station, nawalan ng tirahan, pinsala, sunog, 10 bahay, 30 pamilya, boarding house, leveriza street, malate, manila, Manila Fire Department Intramuros Station, nawalan ng tirahan, pinsala, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.