Monreal: NAIA walang pinsala matapos ang lindol

Iniulat ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na walang pinsala sa lahat ng runway at taxiway ng paliparan kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Ayon kay NAIA general manager Ed Monreal, maayos ang operasyon ng lahat ng pasilidad sa mga terminal ng NAIA sa kabila ng malakas na pagyanig.

“Inspection of possible effects of the earthquake to the airport structures is ongoing with no findings initially reported,” ani Monreal.

Ayon sa opsiyal, “business as usual” sa NAIA at ligtas ang mga runways nito para sa landing at take off.

Samantala, na-divert ang isang Cebu Pacific flight sa NAIA.

Ayon kay Charo Lagamon-Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific, nakatakda sanang lumapag ang flight 5J 539 biyaheng Singapore patungong Clark International Airport (CIA)

Lumapag ang eroplano sa NAIA Terminal 3 bandang 8:13 Lunes ng gabi.

Inihatid naman kalaunan ang lahat ng pasahero patungon Clark, Pampanga.

Ibibiyahe naman ang mga pasahero ng mga kanseladong flights sa Clark International Airport patungong NAIA Terminal 3 para matuloy ang ilang biyahe ng Cebu Pacific.

Read more...