“Iwas paputok” campaign para sa taong ito, inilunsad ng DOH
Pormal nang inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kampanya laban sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng taong 2016.
Ang kampanya ay may temang “Iwas Paputok: Sa ingay, walang sablay. Sa paputok goodbye kamay”.
Katuwang ng DOH sa kampanya ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Customs (BOC), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Health Sec. Janette Garin, sa mga nagdaang pagsalubong sa bagong taon, kadalasang nabibiktima ng paputok ang mga batang edad 6 hanggang 15.
Hiling ng DOH sa mga otoridad, mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa mga illegal na paputok lalo na ang piccolo na madalas makapambiktima sa mga bata.
Ayon sa BOC, kamakailan lang ay may nasabat silang 8×40 container van galing China na ang laman ay mga kahon na puno ng mga piccolo.
Nanawagan din ang DOH sa mga magulang na tiyaking hindi nakakahawak ng paputok ang mga menor de edad nilang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.