PAL nagkansela ng ilang flights sa Clark International Airport sa gitna ng pinsala ng lindol

By Len Montaño April 22, 2019 - 10:51 PM

Nagkansela ang Philippine Airlines (PAL) ng ilang biyahe papunta at paalis ng Clark International Airport matapos mapinsala ng malakas na lindol ang paliparan.

Ang sumusunod ang kanseladong PAL flights:

PR 2834 Clark-Cebu

POR 2833 Cebu-Clark

PR 2840 Davao-Clark

Ayon sa airline, ang mga naapektuhang pasahero ay pwedeng magpa-rebook o mag-iba ng ruta ng biyahe sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng flight ng walang babayarang penalty.

Inabisuhan ng PAL ang mga pasahero na bisitahin ang kanilang Facebook page o ang website ng kumpanya para sa update.

Isinara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Clark Airport habang inaalam pa ang pinsala sa terminal building.

TAGS: biyahe, CAAP, Clark International Airport, flights, kansela, lindol, PAL, pinsala, rebook, walang penalty, biyahe, CAAP, Clark International Airport, flights, kansela, lindol, PAL, pinsala, rebook, walang penalty

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.