Phivolcs nagpaalala laban sa pagkalat ng maling impormasyon kasunod ng lindol

Nagpaalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa publiko laban sa pagkalat ng maling impormasyon kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon Lunes ng hapon.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng Phivolcs na hindi ito nagbibigay ng prediksyon ukol sa magaganap na pagyanig.

Umapela ang ahensya sa mga tao na huwag magpadala o magpakalat ng anuman impormasyon na pwedeng lalong magdulot ng pagkalito at takot sa mga makakabasa ng maling post.

Hinikayat ng Phivolcs ang mga mamamayan na bisitahin ang kanilang website at mga social media accounts para sa tamang impormasyon.

Read more...