NCRPO, hinikayat ang publiko na maghanda sa posibleng aftershocks
Hinikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga residente ng Kalakhang Maynila na maghanda sa posibleng aftershocks.
Ito ay matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa ilang parte ng Luzon, Lunes ng hapon.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na hinihintay pa ng kanilang hanay ang mga report mula sa field officers ukol sa posibleng nasawi, nasugatan o pinsala sa mga ari-arian sa Metro Manila.
Patuloy din ang pagsasagawa ng assessment sa sitwasyon matapos ang pagyanig.
Nagpakalat na rin aniya ang NCRPO ang mga bus at trak para makatlong sa mga commuter.
Samantala, nananatili namang naka-full alert at hinikayat ang publiko na i-report ang anumang klase ng unlawful act sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.