Pangulong Duterte, nasa Davao City nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol
Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng Boao Forum for Asia (BFA) Manila Conference sa Taguig City, araw ng Lunes.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil hindi mabuti ang pakiramdam ng pangulo bunsod ng sunud-sunod na campaign rally ng PDP-Laban.
Nakatakda sanang magbigay ng keynote speech si Duterte sa opening ceremony ng naturang forum.
Sa halip, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang humalili sa Punong Ehekutibo.
Samantala, sinabi pa ni Panelo na nasa Davao City si Duterte nang tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Kalakhang Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.