Preso sa Bilibid, patay sa pananaksak

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2015 - 12:47 PM

New-Bilibid-PrisonNasawi ang isang preso na nakakulong sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City matapos saksakin ng kapwa niya bilanggo.

Naganap ang insidente ala 1:00 ng madaling araw kanina (December 7) sa Dorm 12-B.

Idineklarang dead on arrival sa prison hospital si Felicito Braga matapos saksakin ng kaniyang pinsan at kapwa presong si Jonathan Braga.

Iniimbestigahan pa ng pamunuan ng NBP kung ano ang dahilan ng pagpatay ni Jonathan sa kaniyang pinsan.

Simula noong buwan ng Oktubre, ito na ang ikalimang insidente ng karahasan sa loob ng Maximum Security Compound.

Noon lamang November 25, sinaksak ng misis ng isang preso ang isang bilanggo. Hindi rin naging malinaw kung ano ang dahilan ng krimen.Noon namang October 26, ang presong si Antonio Usis ay sinaksak sa balikat ng kapwa presong si Allan Pinot gamit ang isang improvised icepick.
October 15 naman nang saksakin ng commando gang member na si Edward Villanueva ang kapwa bilanggo na si Cesar Aguilar.

Parehong buwan din nang mapatay sa pamamaril si dating Masbate jail warden Charlie Quidatu. Inamin naman ng bilanggo na si Ronald Catapang ang pagbaril kay Quidatu.

Magugunitang nitong nagdaang mga linggo, sunod-sunod ang ginagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa mga selda sa NBP, at daan-daang mga bawal na gamit ang nakukumpiska.

TAGS: New Bilibid Prisons, New Bilibid Prisons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.