LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sinuspinde ang operasyon matapos ang mag. 6.1 na lindol
Sinuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT-1), LRT-2 at Metro Rail Transit (MRT-3), Lunes ng hapon.
Ito ay matapos maramdaman ang malakas na lindol sa Kalakhang Maynila mula sa tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Zambales.
Sa abiso ng pamunuan ng LRT-1, pansamantalang isususpinde ang operasyon sa buong linya ng Roosevelt hanggang Baclaran.
Ayon naman kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT-2, isasara rin ang lahat ng istasyon para sa isasagawang inspeksyon sa lahat ng pasilidad para alamin kung nagkaroon ng sira.
Samantala, matapos ang pansamantalang suspensyon ay inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magbabalik ang operasyon ng MRT-3 sa Martes April 23 matapos na walang makitang structural damage sa mga istraktura nito.
Ito ay para bantayan ang mga inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.