Ilang PNP transport vehicles, ipinakalat sa Metro Manila
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde ang pag-deploy sa mga PNP transport vehicles sa ilang parte ng Metro Manila.
Ito ay para asistihan ang mga stranded na commuter matapos isuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) 1 at 2, at Metro Rail Transit (MRT-3).
Ayon kay PNP spokesman Col. Bernard Banac, agad ipinag-utos ni Albayalde ang Police Maj. Gen. Edwin Roque, director for logistics, na ipakalat ang apat na coaster, isang bus at apat na trak.
Magkakaroon aniya ng biyahe ang mga police vehicle mula Cubao sa Quezon City patungong Monumento sa Caloocan at mula Cubao hanggang Taft Avenue sa Pasay, Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.