2 patay, 40 na-trap na gumuhong gusali sa Porac, Pampanga

By Den Macaranas April 22, 2019 - 07:51 PM

PIA photo

Dalawa na ang naiulat na namatay sa bayan ng Porac, Pampanga samantalang 40 iba pa ang pinaniniwalaang na-trap sa loob ng gumuhong gusali sa nasabing bayan dulot ng lindol.

Sa panayam ay sinabi ni Porac Vice Mayor Dexter David na may edad na pito at tatlo ang mga batang namatay makaraang maguhuan ng pader ang kanilang tinutuluyang bahay.

Isang apat na palapag naman na commercial building ang gumuho at na-trap sa loob nito ang halos ay 40 katao ayon pa sa opisyal.

May mga ulat rin na bumigay ang ilang bahagi ng SCTEX sa bahagi ng Porac, Pampanga na siyang dahilan ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Sa kasalukuyan ay putol pa rin ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Pampanga kasunod ng naganap na magnitude 6.1 na lindol pasado alas-singko ng hapon kanina.

TAGS: earthquake, lindol, Pampanga, Porac, SCTEX, earthquake, lindol, Pampanga, Porac, SCTEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.