Recto: Gusali ng Senado may mga bitak dahil sa lindol
Kinumpirma ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na may mga bitak silang nakita sa ilang bahagi ng GSIS Building kung saan matatagpuan ang tanggapan ng Senado.
Ito ang dahilan kaya kaagad nilang pinalabas ang mga empleyado ng Senado at pinauwi na ang mga ito.
Sinabi ni Recto na siyang tumatayong officer-in-charge sa Senado na minabuti na rin nilang kanselahin ang pasok sa bukas.
Iisa-isahin ng mga kagawad ng Senate Engineering Office ang lahat ng mga tanggapan at pasilidad sa nasabing gusali para matiyak ang structural integrity ng GSIS building.
Pasado alas-singko ng hapon kanina nang maganap ang pagyanig sa malaking bahagi ng Luzon kung saan ay naitala ang epicenter nito sa bayan ng Castillejos sa Zambales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.