PNP: Terror attack sa Sri Lanka isang wake-up call
Aminado si Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde na hindi dapat maging kampante ang mga otoridad lalo na sa banta ng terorismo.
Magsisilbi rin anyang wake-up call ang nangyaring pambobomba sa ilang lugar sa Sri Lanka na nagresulta sa kamatayan ng higit sa 200 at pagkasugat ng maraming iba pa.
Kaugnay nito, sinabi ni Albayalde na mas lalo pa nilang pag-iigtingin ang intelligence gathering.
Malaking tulong rin ayon sa pinuno ng PNP ang pakikiisa ng publiko sa laban kontra sa terorismo.
Nilinaw pa ni Albayalde na hindi naman ito mangangahulugan ng dagdag na mga pulis sa mga lansangan dahil pwede naman anyang gawin ang pagkuha ng impormasyon gamit ng ilang mga tauhan.
Sa kasalukuyan ay regular ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang law enforcement agencies para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.