Suplay ng tubig sa irigasyon babawan muli simula sa May 1

Inquirer file photo

Nagpasya ang National Water Resources Board (NWRB) na bawasan ang tubig na ibinibigay para sa irigasyon na nagmumula naman sa Angat Dam.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David, Jr. na simula sa unang araw sa buwan ng Mayo ay babawasan nila ng 10 cubic meters ang tubig na ilalaan sa irigasyon.

Ipinaliwanag ng NWRB na karaniwang 35 cubic meters ang inilalaan nila para sa patubig sa mga lupaing agkultural.

Dahil panahon na ng anihan kaya mas kakaunting tubig na ang kailangan para sa mga bukirin ayon pa sa opisyal.

Noong Linggo ay naitala sa 183.55 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam at ito ay mas mababa ng 28.45 meters para sa normal high water level nito na 212 meters.

Sa ulat ng Department of Agriculture, umabot na sa higit sa P5 Billion ang nasira sa mga pananim at livestock dulot ng epekto ng El Niño.

Isa sa mga ikinukunsidera ng pamahalaan ay ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa ibabaw ng mga dam partikular na sa Angat Dam na siyang pangunahing pinagmumulan ng mga tubig para sa mga residente sa Metro Manila at mga kalapit lugar.

Read more...