Sinabi ni Zarate na wala itong katotohanan at walang pagkakaiba sa red october plot noon na gawa-gawa lamang ng militar at kalaunan ay napatunayang peke.
Inihalintulad pa ng mambabatas sa sirang plaka ang AFP at PNP sa anila ay mga kasinungalingan.
Paliwanag ni Zarate, palaging nabubunyag ang kalokohan ng mga ito at ng administrasyon kaya idinadawit ang mga kritiko sa mga sinasabing pagpapatalsik sa nakaupong gobyerno.
Ang pahayag ay ginawa ni Zarate matapos iugnay ang National Union of People’s Lawyer sa sinasabing pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.
Kasama rin sa sinasabing ouster plot ang Rappler, Vera Files at Philippine Center for Investigative Journalism na sinasabing nakikipag ugnayan sa mga kaliwa para maisakatuparan ang plano.