Tinupok ng apoy ang aabot sa 17 bahay sa sunog na naganap sa Sitio Drihoa sa Barangay Lahug sa Cebu City, umaga ng Lunes, April 22.
Naiulat ang sunog alas-8:25 ng umaga at agad itinaas sa ikatlong alarma alas-8:32 ng umaga.
Idineklarang fire under control ang sunog alas-9:02 ng umaga.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga tagapamatay sunog sa poste ng kuryente malapit sa bahay ng isang Raffy Rapsing nagmula ang apoy.
Ayon kay Fire officer 2 Nielson Daculan, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa mga masisikip na daan.
Mananatiling evacuation center ng mga biktima ng sunog ang Lahug Central Elementary School gym.
Sinabi naman ni Barangay Lahug Captain Hazel Muaña na mag-sasagawa sila ng emergency session ngayong tanghali para matalakay ang pangangailangan ng mga biktima ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.