Lalaking walong taon nang gumaganap bilang Hesukristo kapag Semana Santa, nahulihan ng ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 12:31 PM

CDND Photo | Benjie Talisic
Arestado ang isang lalaki sa Cebu City na taun-taon ay gumaganap bnilang Hesukristo kapag Semana Santa makaraang mahulihan ng ilegal na droga.

Dinakip ang ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Abellana Police Station (Station 2), sa pamumuno ni Police Major Eduard Sanchez, ang suspek na si Mark Anthony Jakosalem sa Sitio Maharlika, Barangay Sambag 2.

Isinagawa ang buy-bust laban kay Jakosalem, alas 11:00 ng gabi ng Easter Sunday.

Ang 24 anyos na si Jakosalem, ay gumaganap bilang Hesukristo sa barangay simula taong 2011 kapag Biyernes Santo.

Sa naturang operasyon nakuhanan ang suspek ng ilegal na droga na tinatayang aabot sa P1,200 ang halaga.

Aminado ang suspek na nasangkot siya sa pagbebenta ng ilegal na droga pero matagal na umano siyang huminto.

TAGS: cebu, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, cebu, Illegal Drugs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.