Mga menor de edad sa Mindanao, hinihikayat na sumapi sa ISIS

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2015 - 11:39 AM

isisKinumpirma ni Cotabato Mayor Japal Guiani Jr., na pawang mga menor de edad ang nire-recruit para sumapi o sumuportasa grupong ISIS sa Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Guiani na batay sa kanilang impormasyon, sa Cotabato City pa lamang, mayroong aabot sa 30 estudyante ang na-recruit na pawang mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan.

Ilan lamang sa binanggit ni Guiani ang mga eskwelahan sa Cotabato City gaya ng STI, Notra Dame University, at Roxas High School.

Ang mga estudyanteng na-recruit aniya ay pawang mga edad 16, 17, at 18 habang ang iba ay edad 20 pataas. “Sa information namin, more than 30 students were recruited mula sa gov’t. schools, private schools,” ayon kay Guiani.

Kasabay nito, nanawagan si Guiani sa mga magulang at sa mga school administrators na bantayang mabuti ang kilos ng mga estudyante.

Sinabi ni Guiani na hindi imbento ang nasabing mga impormasyon dahil ang isa sa mga estudyante na nadamay sa engkwentro kamakailan sa Palimbang, Sultan Kudarat ay anak ng isang empleyado ng City Government ng Cotabato.

TAGS: ISIS in Mindanao, ISIS in Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.