Nasawi sa pagkalunod at aksidente sa nakalipas na Holy Week umabot na sa 56

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 11:38 AM

Photo from Sen. Richard Gordon

Umabot na sa 56 na katao ang bilang ng mga nasawi nang dahil sapagkalunod at aksidente nitong nagdaang Semana Santa.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde sa nasabing bilang, 45 ay nalunod habang 8 ang nasawi sa aksidente.

Mayroon namang 128 na katao ang sugatan sa 88 mga aksidenteng naganap sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay Albayalde, nagpapakita lamang ito na kailangang matutukan ang road safety awareness at rebisahin ang road engineering features.

Maari din aniyang ikunsidera kung maaring maisama ang swimming skills sa Physical Education curriculum ng mga mag-aaral.

Sa kabila ng bilang ng mga nasawi sinabi ni Albayalde na maituturing pa ring “generally peacefull” ang nakalipas na paggunita sa Semana Santa.

TAGS: accidents, drowning incident, Holy Week, PNP, accidents, drowning incident, Holy Week, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.