LOOK: Larawan ni Baby Sixto ibinahagi sa Instagram nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

By Jimmy Tamayo April 22, 2019 - 11:17 AM

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang Instagram account ang larawan ng kanilang second baby.

Makikita dito na karga-karga ni Dingdong si Jose Sixto Dantes IV na ipinanganak ni Marian noong April 16.

Kalakip ng larawan ang mahabang caption ni Marian para magpasalamat sa bagong biyaya na aniya ay sagot sa kanilang mga dasal.

Aniya, ““Noon, nangarap kaming magkaroon ng supling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya. Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t naguumapaw ang aking puso sa biyayang ito.”

Labis din ang pasalamat ng aktres lalo’t akala daw niya noon ay hindi niya kakayanin pero dahil na rin daw sa suporta ng mga nagmamahal na pamilya at dasal ay nakayanan niya.

Base sa kwento ni Dingdong, dumaan si Marian sa sampung oras ang labor bago nailuwal si Baby Sixto.

“Maraming salamat. Ngayong nabuhay na ulit sa Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa. Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila– si Dong, si Letizia at si Sixto– sila ang aking buhay,” dagdag pa ng Kapuso Actress.

TAGS: Baby Sixto, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Baby Sixto, Dingdong Dantes, Marian Rivera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.