Bangkay ng isang batang lalaki natagpuan sa Delpan Bridge

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 10:58 AM

Isang bangkay ng batang lalaki ang natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa vicinity waters ng Delpan Bridge sa Binondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Najeb Radiamoda, na residente ng Carlos Palanca Street, San Miguel, Manila at unang iniulat na nawawala ng kaniyang mga kaanak noong April 18.

Nabatid na naligo si Radiamoda kasama ang mga kaibigan malapit sa McArthur Bridge sa Pasig River tanghali ng Huwebes Santo.

Agad namang humingi ng tulong sa Coast Guard Station (CGS) Pasig ang mga tauhan ng Lawton Police Station matapos malamang nalunod ang bata.

Sa isinagawang search and rescue operations ay Nakita ang bangkay ng bata sa Delpan.

Naiturn-over na sa Homicide Division ng Manila Police District (MPD) ang katawan ng biktima at sila na ang makikipag-ugnayan sa pamilya nito.

TAGS: coast guard, Delpan, Radyo Inquirer, coast guard, Delpan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.