Walang banta ng terorismo sa bansa – PNP

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 10:38 AM

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na walang banta ng terorismo sa bansa.

Ito ay sa kabila ng pagkakaresto sa isang miyembro ng Abu Sayyaf sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, minomonitor na ngayon ng PNP ang iba pang posibleng hideouts ng mga bandido at inaalam kung mayroong kasamahan na nasa NCR ang naarestong ASG member.

Sinabi ni Albayalde na mananatiling nasa heightened alert ang PNP habang ang mga nagbakasyon ay pabalik ng Metro Manila.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nadakip sa Culiat, Quezon City ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot sa 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Basilan noong 2001.

TAGS: Abu Sayyaf, PNP, Radyo Inquirer, terror threat, Abu Sayyaf, PNP, Radyo Inquirer, terror threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.