Manila Cathedral nagbabala sa publiko hinggil sa pekeng FB account na nagbebenta ng medalyon

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 09:34 AM

Nagbabala ang pamunuan ng Manila Cathedral hinggil sa pekeng Facebook account gamit ang pangalan ng simbahan.

Isang FB page ang nilikha na may user name na “Manila Cathedral” at nagbebenta ng “miraculous medal” na umano ay galing pa ng Vatican.

Nagpapakilala ang nasa likod ng nasabing FB account na “Youth for Manila Cathedral” at sinasabing ang mapagbebentahan ng medalyon ay mapupunta sa renovation ng Manila Cathedral at sa iba pang charity.

Ayon sa pahayag ng Manila Cathedral, wala silang existing group na ang pangalan ay “Youth for Manila Cathedral”.

Wala din umanong medalyon na ibinebenta ang simbahan.

Hinikayat ng pamunuan ng Manila Cathedral ang publiko na ireport ang FB page o account kung sakaling sila ay makatanggap ng mensahe o mabiktima ng scam.

TAGS: Church, fake facebook account, manila cathedral, medallion, Vatican, Church, fake facebook account, manila cathedral, medallion, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.