Mahigit 90,000 pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 10:13 AM

(UPDATE) Patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong bumibiyahe matapos ang Semana Santa.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, umabot sa 91,660 na mga pasahero ang bumiyahe sa mga pantalan sa bansa mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo (apr. 21) hanggang alas 6:00 ng umaga kanina (Apr 22).

Ang mga pantalan sa Central Visayas ang nakapagtala ng pinakamaraming outbound passengers na umabot sa 23,857.

Pinakamaraming pasahero ay sa pantalan sa Cebu at Bohol.

Samantala, nakapagtala din ng maraming pasahero ang sumusunod na mga pantalan sa bansa:

National Capital Region-Central Luzon – 1,419
Southern Tagalog – 21,252
South Western Mindanao – 2,783
Western Visayas – 13,156
South Eastern Mindanao – 3,157
Bicol – 4,891
Northern Mindanao – 11,733
Eastern Visayas – 8,042
Southern Visayas – 6,952

Magpapatuloy ang monitoring ng coast guard sa ilalim ng kanilang “OPLAN BYAHENG AYOS: Semana Santa 2019″.

TAGS: influx of passengers, philippine coast guard, philippine ports, ports, Radyo Inquirer, influx of passengers, philippine coast guard, philippine ports, ports, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.