“We will destroy ISIL”-Obama

By Dona Dominguez-Cargullo December 07, 2015 - 10:37 AM

Mula sa @WhiteHouse
Mula sa @WhiteHouse

Ito ang inihayag ni US President Barack Obama sa katatapos lamang na national address sa White House.

Ayon kay Obama, totoong may banta ng terorismo sa Amerika at sa iba pang mga bansa, pero malalampasan aniya nila ito at handa silang sugpuin ang teroristang grupo.

Kinumpirma din ni Obama na isang terrorist act ang naganap na mass shooting sa San Bernadino, California na ikinasawi ng 14 na katao.

Matapos ang nasabing insidente, sinabi ni Obama na dapat higpitan ang pagbebenta ng mga ‘powerful assault weapons’. “We also need to make it harder for people to buy powerful assault weapons like the ones that were used in San Bernardino,” ayon kay Obama.
Sinabi ni Obama na batay sa record, mula 2004 hanggang 2014 mayroong mahigit 2,000 katao na nasa terror watch list ang nagawang makabili ng armas.

Ayon kay Obama, dapat itong aksyunan at kinakailangang matiyak na wala sinoman na nasa watch list ang makabibili ng baril.

Magugunitang ang pamamaril sa California ay kagagawan ng mag-asawang radical Muslim na sina Syed Rizwan Farook at Tashfeen Malik na nag-pledge ng allegiance sa ISIS.

TAGS: ISIL, ISIS, ISIL, ISIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.