Temporary ban sa Facebook, WhatsApp at Viber ipinatupad sa Sri Lanka

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 07:01 AM

Matapos ang pagsabog na ikinasawi ng mahigit 200 katao nagpatupad ng temporary ban sa Facebook, WhatsApp at Viber sa Sri Lanka.

Epektibo na ang ban ayon sa pahayag mula sa Office of the President.

Ayon sa kalihim ng presidente ng Sri Lanka, layunin ng ban na maiwasan ang pagkalat ng mga maling impormasyon hinggil sa naganap na pag-atake.

Bago ang ban, nagpatupad na ng ilang hakbangin ang Facebook at iba pang internet giants para malimitahan ang pagkalat ng pekeng impormasyon.

Partikualr dito ang paglimita sa pagpasa ng impormasyon at mga larawan sa WhatsApp.

Sa kabila nito, nagpasya pa rin ang gobyerno ng Sri Lanka na pairalin ang ban.

TAGS: Facebook Ban, Sri Lanka, viber, WhatsApp, Facebook Ban, Sri Lanka, viber, WhatsApp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.