Mga motoristang babalik ng Metro Manila inaasahang dadagsa ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 22, 2019 - 06:30 AM

Inaasahan na ang dagsa ng mga motoristang babalik sa Metro Manila ngayong araw.

Sa North Luzon Expressway, pasado alas 5:00 ng umaga ngayong araw ay may build up na ng mga sasakyan sa southbound ng Bocaue Toll Plaza.

May bahagya na ring build up sa Balintawak Toll Plaza at sa Mindanao Avenue.

Ayon sa pamunuan ng NLEX maari namang mabawasan na ang bilang ng mga motoristang babalik sa Metro Manila kumpara sa dami ng mga motoristang sabay-sabay na umalis nuong Huwebes Santo.

Ang iba kasi ay piniling bumalik ng mas maaga.

Nuong Sabado may mga bumiyahe na pabalik ng Metro Manila.

Habang kahapon, araw ng Linggo, pagsapit ng hapon ay marami na ring motorista ang bumiyahe sa Souhtbound ng NLEX pabalik ng Metro Manila.

TAGS: Holy Week, NLEX, Radyo Inquirer, traffic, Holy Week, NLEX, Radyo Inquirer, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.