Dry run ng provincial bus ban sa EDSA, tuloy ngayong araw – MMDA

Magsasagawa ng dry run ngayong araw ng Lunes, Apr. 22 sa ipatutupad na ban sa mga provincial bus sa EDSA.

Ayon kay MMDA EDSA traffic head, Bong Nebrija, sa dry run, babawalan ang mga provincial bus na magbaba at magsakay ng pasahero sa EDSA.

Lahat ng mga pasaherong sakay ng bus ay sa mga terminal lamang dapat bababa.

Sinabi pa ni Nebrija na magpapatupad ng “No Day Off, No Absent” policy ang MMDA para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na babalik sa Metro Manila.

Read more...