Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 35% ng mga respondents ang nagsabi na naniniwala silang magiging successful president si PNoy na mas mataas kumpara sa 29% lamang noong second quarter ng taon.
Sa 35% na nagsabing naniniwala sila na magiging matagumpay na Pangulo si Aquino ay 83% ang nagsabi na sila ay kuntento sa performance ng presidente habang 7% lang ang nagsabing sila ay hindi kuntento.
Halos nationwide ang pagtaas ng net expectation, maliban lamang sa Luzon na nakapagdala ng pagbaba.
Sa Metro Manila, tumaas ang net expectation sa -3, mula sa -7 noong 2nd quarter; sa Visayas ay tumaas sa +23 mula sa +12, at sa Mindanao ay tumaas ng +26 mula sa +22.