Oil price rollback inaasahan ngayong linggo

By Rhommel Balasbas April 22, 2019 - 04:08 AM

May ipatutupad na kakarampot na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa abiso ng Jetti Petroleum at Unioil, inaasahan ang P0.05 hanggang P.10 kada litro na rollback sa presyo ng diesel.

Ang presyo naman ng gasolina ay may P0.05 kada litrong tapyas at posible ring walang maging paggalaw.

Inaasahang ngayong araw ng Lunes ay iaanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na presyo ng rollback.

Sa trading noong nakaraang linggo ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado ay bumaba kasabay ng pagbaba ng inventory ng US.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad araw ng Martes.

TAGS: crude prices, oil price rollback, crude prices, oil price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.