8 inaresto kaugnay ng serye ng mga pag-atake sa Sri Lanka

By Rhommel Balasbas April 22, 2019 - 04:36 AM

AP Photo

Walo katao ang naaresto kaugnay ng naganap na mga pagsabog sa mga hotel at simbahan sa Sri Lanka na ikinasawi ng higit 200 katao kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ayon kay Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesinghe, ang mga nahuli ay mga lokal na mamamayan ng bansa.

Gayunman ay titingnan anya ng mga awtoridad kung mayroong overseas links ang mga umatake.

Iginiit din ng prime minister na may impormasyon sa posibilidad ng mga pag-atake ngunit aalamin kung bakit walang ginawang mga hakbang para maiwasan ito.

“While this goes on we must also look into why adequate precautions were not taken,” ani Ranil.

Prayoridad anya ng gobyerno na mahuli ang mga terorista at masigurong hindi mananaig ang terorismo sa bansa.

”First and foremost we have to ensure that terrorism does not lift its head in Sri Lanka,” dagdag ng opisyal.

Ito na ang itinuturing na pinakamalalang insidente ng karahasan simula nang matapos ang civil war sa Sri Lanka isang dekada na ang nakalilipas.

TAGS: 8 arrested in connection with Sri Lanka blasts, Sri Lanka, Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesinghe, terrorist attack, 8 arrested in connection with Sri Lanka blasts, Sri Lanka, Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremesinghe, terrorist attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.